Nagsagawa ng nighttime visitation at inspection ang mga tauhan ng Mangatarem Police Station sa iba’t ibang business establishment sa kanilang area of responsibility bilang bahagi ng pagpapaigting ng seguridad at pagpigil sa kriminalidad.
Pinangunahan ang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Arturo C. Melchor Jr., Chief of Police, na naglalayong mapalakas ang police visibility at matiyak ang kaligtasan ng mga may-ari ng negosyo, empleyado, at mga customer.
Sa isinagawang pagbisita, pinaalalahanan din ang mga business establishment na panatilihin ang nararapat na security protocols at maging mapagmatyag sa anumang kahina-hinalang kilos o aktibidad sa kanilang paligid.
Hinimok din ang mga ito na agad na iulat sa mga awtoridad ang anumang hindi pangkaraniwang insidente upang mabilis na maaksyunan ng pulisya.
Ayon sa Mangatarem Police Station, bahagi ng kanilang patuloy na police visibility at pakikipag-ugnayan sa komunidad ang nighttime visitation upang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa lugar.
Patuloy namang paiigtingin ng kapulisan ang mga hakbang pangseguridad upang matiyak ang ligtas at mapayapang komunidad, araw man o gabi. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










