PhilHealth, pinalawig pa ang kanilang mga benepisyo sa pagpapa-dialysis

Naniniwala ang pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na malaki ang maitutulong sa mga may sakit sa bato o chronic kidney disease (CKD) ang pinalawig pa na benepisyo ng ahensiya gaya ng Z Benefits Package para sa post-kidney transplantation services.

Ayon sa PhilHealth, ang sakit sa bato ang isa ngayon sa mga pangunahing sakit sa bansa kung saan isa sa bawat tatlong Pilipino ay posibleng magkaroon nito.

Paliwanag ng PhilHealth, kinakailangan dito ang mahabang gamutan kung saan naaapektuhan ng sakit na bato ang iba’t ibang aspeto ng buhay ng mga pasyente ang kanilang trabaho, kalidad ng pamumuhay at lalo na ang kanilang naipundar.

Nais ng PhilHealth na wala nang alalahanin ang mga mahihirap na Pilipino nang sa gayo’y pagpapalakas na lamang ang kanilang tututukan.

Dagdag pa ng PhilHealth na sa ilalim ng bagong benepisyo sa mga bata kabilang sa babayaran ay ₱73,065 sa kada buwan na immunosuppresive medications para sa unang taon at ₱41,150 kada buwan sa mga susunod na taon.

₱45,570 na kada buwan naman na anti-biotic para makaiwas sa impeksyon.

Habang sa mga nakatatanda edad 19 pataas ay ilan sa mga babayaran ng PhilHealth ay ₱40,725 sa kada buwan na immunosuppresive medication, ₱18,932 para sa anim na buwan na gamutan at ₱11,242 para sa tatlong buwan na gamutan at ₱11,242 para sa bawat tatlong buwan na pagpapalaboratoryo para sa unang taon at ₱8,125 naman sa kada tatlong buwan para sa susunod na taon.

Facebook Comments