Philippine Coast Guard, muling naghatid ng relief supplies sa mga naapektuhan ng Bagyong Paeng sa Mindanao

courtesy of PCG Auxiliary 110th Squadron

Tinatayang 42 tonelada ng relief supplies ang inihatid ng BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Polloc, Cotabato.

Tinanggap ng Civil Relations Group-BARRM ang naturang donasyon para i-turnover sa Local Government Unit (LGU) na siya namang ipamamahagi sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng.

Ang naturang relief supplies ay pinagsamang donasyon na nakalap ng Task Force Kalinga ng PCG, mga miyembro ng PCG Auxiliary at Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Tuloy rin ang ugnayan ng PCG sa iba lang ahensya ng pamahalaan at maging mga non-government organization (NGO) upang maihatid sa mga lalawigan ang ayuda.

Facebook Comments