Philippine Consulate sa Hong Kong, nagbabala sa OFWs kaugnay sa tumataas ng insidente ng money laundering gamit ang ATM

78

Nagbabala sa Overseas Filipino Workers (OFWs) ang Philippine Consulate sa Hong Kong kaugnay ng dumaraming insidente ng money laundering kung saan ginagamit sa modus operandi ang ATM.

Kaugnay nito, nagpa-alala ang Konsulada ng Pilipinas sa OFWs na huwag ipagkatiwala sa iba ang kanilang ATM card.


Anila, maaaring magamit ang ATM sa mga iligal na transaction tulad ng money laundering kaya dapat na ireport agad kapag nawala ang kanilang ATM card.

Agad din anilang makipag-ugnayan sa pinakamalapit na police station o sa bangko na nag-isyu ng ATM card ,sakaling matuklasan nila na may gumagamit dito ng walang pahintulot.

Ipinaalala rin ng Konsulada na ang money laundering ay krimen na may katapat na mabigat na parusa.

Facebook Comments