Mahigpit na marksmanship training sa mga pulis, ipatutupad ni Gen. Torre

Paiigtingin ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang pagsusuri sa galing ng mga pulis sa paggamit ng baril.

Ayon kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, magiging istrikto siya sa pagpapatupad ng firearms proficiency standards ng PNP.

Ani Torre, siya mismo ang mangunguna sa pagsusulit at kung bumagsak sya ay magreretiro sya sa pwesto.

Sinabi ni Torre na hindi lang mga bagitong pulis ang sasabak sa proficiency test kung hindi pati mga heneral at matataas na opisyal.

Giit ni Torre, mahalaga ang pagiging bihasa sa baril dahil huling opsyon ito sa operasyon.

Nabatid na magsisimula ang pagsusulit ngayong Hulyo, simula sa mga nasa top leadership positions.

Facebook Comments