Philippine Embassy sa Qatar, nagbabala sa iligal na paggamit sa pangalan ng embahada sa mga transaksyon

Nagbabala ang Philippine Embassy sa State of Qatar laban sa mga Pinoy na iligal na gumagamit sa pangalan ng embahada at ng mga opisyal nito

Ayon sa embahada, hindi nila palalagpasin ang sino mang mahuhuling gumagamit sa pangalan ng embahada at embassy officials.

Partikular sa sponsorship letters at requests, promotional materials, procurement activities, at iba pang transaksyon o negosyo.


Kailangan muna anilang humingi ng pahintulot o written consent mula sa Philippine Embassy kung gagamitin ang pangalan ng embahada sa mga aktibidad.

Facebook Comments