Philippine Embassy sa Riyadh, naglabas na rin ng scam alert sa OFWs doon

Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Riyadh ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Saudi Arabia laban sa mga nag-aalok ng mga peke at palsipikadong dokumento ng gobyerno.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng embahada ang mga Pilipino doon na magproseso lamang ng kanilang mga dokumento sa loob lamang ng embahada ng Pilipinas sa Riyadh o di kaya sa Philippine Consulate sa Jeddah.

Nagbabala rin ang embahada na ang pamemeke o pag-falsify ng mga dokumento ay may parusang multa o pagkakulong.


Facebook Comments