Philippine Embassy sa Singapore, hindi magbubukas ng operasyon sa araw ng linggo sa election period

Nag-abiso ang Philippine Embassy sa Singapore na hindi sila magbubukas ng operasyon sa araw ng linggo sa election period.

Ito ay mula April 10 hanggang May 9, 2022.

Layon nito na ma-assist ang mga Pilipino doon sa panahon ng halalan.


Tiniyak naman ng Embahada ng Pilipinas na magiging bukas sila sa operasyon sa araw ng linggo sa February 20, March 20, May 22 at June 19, 2022.

Alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon ang magiging operasyon ng embahada sa mga nabanggit na petsa.

Facebook Comments