Philippine Overseas Labor Office sa Muscat, sarado ng 3 araw para sa disinfection

Mananatiling sarado hanggang bukas, February 1 ang Philippine Overseas Labor Office sa Muscat.

Ito ay para bigyang daan ang disinfectation sa gusali at paligid nito.

Bukod nito, sasailalim din sa sampung araw na mandatory quarantine ang mga staff ng POLO-Muscat


Obligado ring sumailalim sa sampung araw na quarantine ang lahat ng distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) na kinakanlong sa Migrant Workers and Overseas Filipino Resource Center ng Labor Office.

Facebook Comments