Ayon sa Bayambang PNP, natanggap ng administrasyon ng paaralan ang mensahe ng banta bandang alas-6 ng umaga.
Agad namang inireport at nagsagawa ng security response ang mga awtoridad at visinailalim ang buong campus sa masusing inspeksyon ng Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit (PECU/EOD-K9) sa pamamagitan ng bomb detection sweep.
Habang isinasagawa ang security measures, nagsagawa naman ng follow-up operations ang intelligence operatives at investigators ng Bayambang MPS na humantong sa pagkakakilanlan sa isang menor de edad na residente ng bayan bilang umanong person of interest.
Ayon sa ulat ng pulisya, natunton ng pulisya ang menor de edad sa tahanan nito na kusang sumama kasama ang kanyang ama at isang barangay councilor, at nagtungo sa himpilan ng pulisya.
Sa isinagawang pag-uusap, iniulat ng Bayambang PNP na inamin umano ng menor de edad ang pagmamay-ari ng Facebook account at ang pagpapadala ng mensaheng naglalaman ng banta sa social media page ng Bayambang National High School.
Nakipagdayalogo rin si Bayambang Mayor Nina Jose-Quimbao sa menor de edad, kasama ang ama nito at barangay councilor para ipaliwanag ang epekto at posibleng kahihinatnan ng ginawang pagbabanta.
Inilagay ang menor de edad sa kustodiya ng PNP Bayambang bilang Child in Conflict with the Law (CICL) alinsunod sa Republic Act 9344. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








