Pinoy vlogger, iniimbestigahan ng Immigration dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking

Iniimbestigahan ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang isang vlogger dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal recruitment.

Kasunod ito ng pagkakaharang ng BI sa dalawang babaeng biktima ng human trafficking kahapon, November 2.

Ang naturang mga biktima ay patungo sana ng Sri Lanka sakay ng Jetstar Asia flight via Singapore nang maharang sila sa airport.


Inamin ng isa sa mga biktima na isang Facebook vlogger ang nagpakilala sa kanya sa kanyang recruiter matapos siyang mag-comment sa video nito.

Ayon sa mga biktima, isang babaeng nakabase sa Sri Lanka ang nag-recruit sa kanila at siningil sila ng mahigit P50,000 kada isa para sa recruitment package.

Anila, pinangakuan sila ng recruiter ng trabaho sa Sri Lanka bilang household service workers o call center agents.

Ang vlogger at illegal recruiter ay iniimbestigahan na ng Inter-Agency Council Againt Trafficking o IACAT.

Facebook Comments