Pito, patay habang 4 ang sugatan sa pananalasa ng buhawi sa Amerika

Nasawi ang pitong indibidwal habang apat ang naitalang sugatan matapos ang pananalasa ng buhawi sa Des Moines, Central Lowa, U.S.

Batay sa inilabas na pahayag ng mga opisyal ng Emergency Management sa Madison County, kabilang sa mga nasawi ang dalawang bata.

Nasa 10,000 kabahayan naman ang apektado ng power outage o brownout sa naturang lugar dahil sa pagkasira ng linya ng mga kuryente, pagtumba ng mga puno at mga nawasak na bahay.


Nabatid na ang nasabing trahedya ang pinakamatindi na nangyari sa loob ng sampung dekada sa naturang lugar.

Facebook Comments