Monday, October 12, 2026

Bilang ng mga lugar na nagdeklara ng state of calamity dahil sa EL Niño, umabot na sa 107 —NDRRMC

Umabot na sa 107 na lugar sa bansa ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño ayon ito sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa NDRRMC, 66 na siyudad at munisipalidad ang nagdeklara ng state of calamity sa Region 2 o Cagayan Valley, 23 sa CARAGA at 12 sa Region 5 o Bicol Region.

Habang apat na lugar ang nagdeklara ng state of calamity sa CALABARZON, at tig-isa sa Region 8 at Region 12.

Samantala, nasa 121,185 pamilya o katumbas ng 451,889 na indibidwal ang apektado ng El Niño sa 1,019 barangay sa bansa.

Facebook Comments