Makararanas ng pitong oras na power interruption ang bahagi ng Barangay tebuel sa bayan ng Manaoag sa araw ng Miyerkules, June 18, 2025.
Ayon sa sa abiso ng Dagupan Electric Corporation (DECORP), inaasahang mararanasan ang pansamantalang kawalan ng kuryente mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Ang dahilan ng naturang power interruption ay upang mag upgrade ng reconductor ng secondary line dahil sa overloading.
Inaabisuhan ang mga apektadong residente na maagang magcharge ng mga digital devices at powerbanks upang handa sa pansamantalang kawalan ng kuryente sa naturang bahagi. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments