Plano ni Sen. Manny Pacquiao sa 2022 presidential election, iaanunsyo nito ngayong buwan!

Nakatakdang ianunsyo ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang mga plano sa 2022 presidential election bago matapos ang buwan.

Ito ang inihayag ng senador kasunod na rin ng paghalal ng PDP-Laban faction ni Energy Sec. Alfonso Cusi kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanilang vice presidential bet sa 2022 election.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Pacquiao na anuman ang kanyang magiging desisyon ay umaasa siyang irerespeto ito ng iba.


Pero binigyang-diin ni Pacquaio na hindi niya kayang talikuran ang mayorya ng PDP-Laban.

Nakatakda rin ihayag ni Pacquiao bago ang Oct. 1, 2021 kung tuluyan na siyang magreretiro sa pagbo-boxing.

Facebook Comments