PNP chief, nagbigay-pugay sa mga modern day heroes ngayong Araw ng mga Bayani

Nagbigay-pugay si PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., sa mga “modern day heroes” kasunod nang pagdiriwang ng National Heroes Day.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Gen. Azurin na itinuturing niyang modern day heroes ang mga frontliners na lumaban sa pandemya at mga pulis na nasawi sa kampanya kontra krimen at iligal na droga.

Kasabay nito, tiniyak ni Gen. Azurin ang commitment ng PNP sa peace and security at sinabing mahalaga ang papel ng Pambansang Pulisya sa paghubog ng kasaysayan ng bansa.


Pinasalamatan din ng PNP chief ang lahat ng pulis sa kanilang pagseserbisyo upang mapagbuti pa ang bansa.

Samantala, kanina nag-alay rin ng bulaklak sa Bantayog ng Bayaning Tagapamayapa sa tapat ng national headquarters sa Kampo Krame.

Facebook Comments