PNP Chief of the Directorial Staff Lt. Gen. Vicente Danao Jr., itinalagang number 3 man ng PNP

519

Tumaas ang posisyon ni Police Lt. Gen. Vicente Danao naa ngayon ay number 3 man na ng Philippine National Police (PNP).

Pinalitan ni Danao si PNP Deputy Chief for Operations Police Lt. Gen. Ferdinand Divina na naabot na ang retirement age na 56 kahapon.

Sa kanyang pag-akyat ng pwesto, pamumunuan din ni Danao ang Secuirty Task Force on National and Local Elections.


Ayon naman kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos na buwan pa lang ng Abril ay naghahanda na si Danao para sa pagpapatuloy ng trabaho ni Divina kaya wala siyang nakikitang problema sa “continuity” ng trabaho.

Samantala, wala pang kapalit si Danao sa iniwan niyang pwesto na chief of the directorial staff pero may rekomendasyon na si Carlos sa magiging kapalit nya.

Facebook Comments