PNP CHIEF TERM EXTENSION | Mga magtatampong senior officers, inaasahan na

Manila, Philippines – Inaasahan na raw ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang pagtatampo at ang pag iba ng trato sa kanya ng ibang police officers na naghahangad at umaasang maging PNP Chief matapos ang pagpapalawig muli ng kanyang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Perop ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, very professional ang mga inaasahang papalit sa kanyang kaya alam niyang tatanggapin at susundin ng mga ito ang direktiba ng Pangulo.

Naniniwala si Dela Rosa na destiny at will ni Lord ang pagiging PNP Chief kaya kahit sino pa ang komontra o gumawa ng mga paninira ay walang mangyayari kung hindi kaloob ng Diyos.


Alam rin ni Dela Rosa na nirerespeto siya ng kanyang mga upper class at alam aniya ng mga ito na hindi nya ito kagustuhan dahil prerogative ito ng Pangulo.

Facebook Comments