
Sa kanyang unang flag raising ceremony bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) iginiit ni PGen. Nicolas Torre III ang kahalagahan ng malasakit sa serbisyo.
Babala ni Torre, dapat walang pasahan ng reklamo.
Aniya, agad dapat asikasuhin ng sinumang pulis ang mga biktima ng krimen o mga humihingi ng tulong, kahit pa hindi sakop ng kanilang presinto ang reklamo.
Ayon sa PNP Chief, mahalagang tulungan at ihatid mismo sa tamang presinto ang mga nagrereklamo gamit ang police mobile.
Hindi aniya katanggap-tanggap na basta na lang ituro kung saan pupunta ang tao.
Dagdag pa ni Torre, hindi kailangang bolahin ang mamamayan sa mga statistics kung mismong malasakit ang mararamdaman nila mula sa kapulisan.
Facebook Comments