
Nagbabala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) hinggil sa pagtutok ng laser beam sa aircraft ay isang kasong criminal at paglabag sa Parañaque City Ordinance No. 12-02 Series of 2011.
Sakop ng ordinansa na ito ang pagbabawal sa pagpapalipad ng sarangola at kalapati na sakop ng 13-km radius ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa CAAP, mahigpit itong ipinagbabawal dahil ito’y nagdudulot ng pagka-distract at panganib sa paglalakbay ng mga air travellers.
Ang laser beam kasi ay nagdudulot ng pansamantalang pagkabulag sa piloto lalo na sa pag takeoff at landing ng eroplano.
Paalala ng CAAP, na ang mga ganitong paglabag ay may parusa at multang ₱100,000 o higit pa at pagkakakulong.
Facebook Comments