PNP-CIDG, may testigo na sa pagdukot sa anim na sabungero sa Manila Arena; 6 na suspek, tinukoy!

Anim na suspek ang kinilala ngayon ng nakuhang testigo ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa pagdukot sa anim na sabungero sa Manila Arena sa Lungsod ng Maynila.

Ito ang inihayag ng PNP-CIDG Chief Police Major General Eliseo Cruz sa pagdinig ng Senado ukol sa mga missing sabungeros.

Ayon kay Cruz, sinabi ng testigo na nakita nito noong January 13, ang pagpigil ng security personnel ng Manila Arena sa pag-alis ng anim na lalaki at isinakay sa isang grey van na naka-park sa basement ng sabungan.


Aniya, mula sa 14-na dumukot sa mga sabungero, anim dito ang nakilala ng testigo.

Ang mga ito ay nakatakdang sampahan ng kasong kidnapping with Serious Illegal Detention.

Sa ngayon ay nasa proteksyon na ng PNP-CIDG ang nasabing testigo.



Bukod dito, may person of interest na rin sa pagdukot naman sa anim pang sabungero sa Sta. Cruz, Laguna.

Facebook Comments