Monday, September 14, 2026

Mas maraming oras sa pamilya at kapayapaan para sa bansa, hiling ni PBBM sa kaniyang kaarawan

Mas maraming oras kasama ang pamilya ang isa sa mga hiling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang kaarawan.

Ayon sa Pangulo, nais niyang mas madalas na makasama ang kanyang mga anak at First Lady Liza Marcos, dahil hindi nagtutugma ang kanilang mga iskedyul.

Para naman sa bansa, umaasa si Pangulong Marcos na maipagpatuloy ang mga nasimulang pagbabago ng administrasyon kahit matapos ang kanyang termino.

Kabilang dito ang patuloy na pag-aayos at pagpapabuti ng pamahalaan, pagpapalakas ng ugnayan sa ibang bansa, pagsusulong ng kalakalan at diplomasya, at pagpapanatili ng kapayapaan.

Ipinagdiwang ni Pangulong Marcos Jr. ang kanyang ika-69 na kaarawan sa New Delhi, India, kung saan dumalo siya sa BRICS Summit.

Facebook Comments