Monday, August 24, 2026

PNP-HPG na sangkot sa komprontasyon sa BOC personnel sa Bulacan, irereklamo sa NAPOLCOM

Maghahain ng reklamo sa National Police Commission o NAPOLCOM ang Bureau of Customs o BOC laban sa Philippine National Police–Highway Patrol Group o PNP-HPG ngayong linggo.

Kasunod ito ng umano’y komprontasyon ng PNP-HPG sa mga tauhan ng BOC sa Bulacan na nagkakasa ng pagwasak sa mga smuggled na sigarilyo noong Miyerkules ng gabi, August 19.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ngayong Lunes, August 24, sumunod lamang sa kaniyang utos ang mga tauhan ng BOC para hindi na maibenta pang muli sa merkado ang mga smuggled na sigarilyo.

Giit ni Nepomuceno, hindi siya papayag na basta na lamang babastusin ang kaniyang mga tauhan na ginagawa nang maayos ang kanilang trabaho.

Samantala, mariin namang iginiit ni Nepomuceno na siya mismo ang magsasampa ng reklamo laban sa kaniyang mga tauhan oras na mapatunayang nagbebenta nga ang mga ito ng smuggled na sigarilyo, gaya umano ng sinasabi ng PNP-HPG.

Facebook Comments