PNP, magtataas ng alerto simula sa susunod na linggo

37

Magtataas ng alert status ang Philippine National Police (PNP) simula sa darating na Linggo.

Ito ay kasunod na rin ng pag-alis ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para sa kaniyang unang state visit.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., bahagi ito ng pagpapaigting ng seguridad sa bansa habang wala ang punong Ehekutibo.


Sa official schedule ng pangulo, tutungo ito sa Indonesia mula September 4 hanggang September 6 habang nasa Singapore naman siya mula September 6 hanggang 7.

Facebook Comments