SPECIAL PERMITS PARA SA MGA PROVINCIAL BUSES NGAYONG SEMANA SANTA, HINIHINTAY NA NG LTFRB REGION 1

Inihayag ng Land Transportation and Regulatory Board Region 1 na maglalabas ng special permits ang kanilang tanggapan para sa mga provincial buses bilang paghahanda sa parating na Holy Week.
Ayon kay Engr. Karen CasaƱa ng LTFRB Region 1, sagot ang naturang pagdaragdag ng permits upang mapunan ang kakulangan ng pampublikong tranportasyon gayong hindi lahat ng bus ay operational na.
Aniya, natapos na ang pag-apply ng special permits noon pang March 25. Hinihintay umanong ibaba ito ng Central Office dahil ito ay magsisimula na sa April 8 at magtatagal ng April 18.

Samantala, magkakasa rin ng inspeksyon sa mga terminals upang masigurong maayos ang magiging pagbyahe ng mga mga commuters. | ifmnews
Facebook Comments