Wednesday, June 24, 2026

PROTEKSYON NG MGA MAG-AARAL, PINAGTITIBAY: PULIS SA BAWAT PAARALAN SA DAGUPAN, IMINUMUNGKAHI

Paglalagak ng tauhan ng pulisya sa bawat paaralan sa Dagupan City ang isa sa iminumungkahi ngayong hakbang sa lungsod upang mapagtibay pa ang proteksyon ng mga bata, bunsod ito ng sunod-sunod na naitatalang kaso ng krimen sa loob ng mga paaralan sa ilang bahagi ng bansa kung saan sangkot ang mga mag-aaral.

Ayon kay Mayor Belen Fernandez, hindi dapat ito hayaan na mangyari sa kahit ano mang sitwasyon o lugar at dapat na magkaroon ng nararapat na paggabay sa mga bata sa tulong ng mga LGU, mga ahensya at mga nakatatanda.

Ipinunto nito ang pagtitiyak sa seguridad sa loob at labas ng mga paaralan upang maiwasan ang mga karahasan.

Naalerto rin umano sila sa posibleng pagkakasangkot ng mga bata o mag-aaral sa iligal na droga, bagay na nakaaalarma at dapat lamang umanong matutukan.

Tuloy-tuloy naman umano ang pag-iikot ng LGU sa mga paaralan pagdating sa usapin ng bullying, mayroon umanong sinusunod na schedule sa bawat pagbisita. Mas mainam pa rin umano ang suporta ng kumunidad upang mapaigting pa ang proteksyon sa mga bata na nangangailangan ng gabay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments