
Kinalampag ng ilang vendors sa bahagi ng elleptical road ang Quezon City Hall ngayong Miyerkules ng umaga, June 24 para manawagan na makakuha ng permit at gawing legal ang kanilang hanapbuhay, maging ang pagkakaroon ng maayos at makataong regulasyon sa kanilang pwesto.
Kwento ng mga tindero’t tindera, ginigipit at pinapaalis umano sila ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa kanilang pwesto simula pa noong enero taong kasalukuyan para mapaganda umano ang elliptical road.
Sa ngayon, wala pa rin umano silang natatanggap na solusyon o aksyon, matapos ang kanilang pakikipag usap sa Quezon City Market Development at administration department.
Facebook Comments










