PNP, nakatutok sa selebrasyon ng Chinese New Year

 

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad ng mga lalahok sa Chinese New Year partikular na sa Binondo, Maynila.

Ayon kay PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr., nasa 1,457 na mga pulis ang kanilang idineploy kasabay ng pagdiriwang ng Lunar New Year o ang pagpasok ng Year of the Wood Dragon.

Inaasahan kasing nasa mahigit kalahating milyong katao ang pupunta sa Plaza Binondo Ruiz simula nuong kick-off ceremony noong February 1 ng Chinese New Year kasama na dito ang mga turista.


Aniya, may police visibility sa lugar at mga checkpoint.

Kasunod nito, patuloy ang paalala ng PNP sa mga makikiisa sa Chinese New Year na huwag nang magdala ng malalaking halaga ng pera at alahas lalo na’t siksikan at maaari itong ma-take advantage ng mga mandurukot.

Facebook Comments