Tuesday, September 29, 2026

Pisong dagdag-pasahe sa PUV, makatao at balanse ayon sa Malacañang

Makatao at balanseng hakbang ang pisong dagdag-pasahe sa mga PUV, ayon sa Palasyo.

Ito’y matapos aprubahan ng DOTr ang rekomendasyon ng LTFRB para sa fare hike.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, pinag-aralan at binalanse ang dagdag-pasahe para hindi lamang ang kapakanan ng mga tsuper at operator ang maisaalang-alang, kundi pati ang kakayahan ng mga commuter na magbayad.

Aminado ang Palasyo na maaaring mabigatan ang ilang pasahero sa dagdag-pasahe, pero hindi anila maaaring isang sektor lamang ang makinabang sa desisyon.

Kinikilala rin ng administrasyon ang pangangailangan ng mga tsuper at operator, kaya inaprubahan ang fare hike, bagama’t maaaring hindi ito umabot sa halagang hinihingi ng transport sector.

Facebook Comments