PNP, nanawagang ibalik sa kanila ang pagsasanay sa mga pulis

Manila, Philippines – Nanawagan si PNP Chief dela Rosa na ibalik sa PNP ang pangangasiwa sa training ng mga pulis.

Ayon kay dela Rosa, makakatulong ito para maiwasan na ang mga palpak na police operation.

Aniya, natatangi ang PNP na isang police agency sa buong mundo na hindi nagte-training ng sarili nitong tao.


Kasabay nito, pinuna ni dela Rosa ang mga malalaking tyan ng mga pulis.

Sinabi naman ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta, handa rin silang mag-alok ng seminar at training para sa mga pulis.

Naniniwala naman si Senador Panfilo Lacson, lumaki na ang tyan ng ilang pulis kapag sila’y nasa serbisyo na.

Giit ng PNP Chief, dapat maisaisip ng mga pulis habang maaga ang disiplina.

Facebook Comments