Wednesday, June 3, 2026

Storage tanks ng langis na proyekto ng DOE, inaasahang magpapataas ng imbentaryo ng langis sa bansa

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) ang katatagan ng supply ng langis sa bansa sa mga susunod na araw.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, hanggang isang milyong bariles ng langis ang maaaring iimbak sa bawat storage tank sa sandaling makumpleto ang proyekto.

Sinabi ni Garin na aabot sa ₱5 bilyon ang halaga ng konstruksyon ng industrial oil storage facilities.

Dagdag pa niya, ang bawat tangke ay makapagbibigay ng karagdagang limang araw na fuel reserves.

Idinagdag din ni Garin na tinatapos na ng DOE ang mga kinakailangang permits at clearances mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pagpapatuloy ng proyekto.

Facebook Comments