
Siniguro ng PNP na may gugulong na ulo sa pagkasawi ng dalawang indibidwal na na-trap sa nangyaring pagguho ng hukay sa Pamplona Dos, Las Piñas City.
Ayon kay Police Lt. Col. Teoson Rosarito Asst. Chief for Operations, malaki ang pananagutan dito ng kumpanya dahil dalawa ang nasawi at tatlo ang sugatan.
Patuloy namang iniimbestigahan ng PNP ang sub-contractor ng Maynilad sa naturang proyekto lalo na’t sinasabing mga Chinese ang nangontrata.
Una rito, gumuho ang hinuhukay na tapunan umano ng waste material ng kumpanya na dahilan ng pagka-trap ng ilang indibidwal sa napakalalim na hukay.
Batay sa report, dakong alas-2:45 pa ng hapon kahapon nang mangyari ang insidente at bago mag-alas-7:00 na kaninang umaga nakuha ang labi ng dalawang biktima.
Facebook Comments










