Saturday, June 27, 2026

Schedule ng impeachment trial, inilalatag na

Itinakda na ng Senate Impeachment Court ang schedule ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong buwan ng Hulyo at pagkatapos ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Senate Secretary at Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr., simula July 6 ay idaraos ng alas dos ng hapon “onwards” mula Lunes, Martes at Miyerkules ang paglilitis habang ang Huwebes ay ilalaan naman para motion days.

Wala pang trial dates na itinakda para sa araw ng Biyernes.

Samantala, pagkatapos ng SONA sa July 27, itatakda naman ng Martes, Miyerkules at Huwebes ng alas dos ng hapon ang impeachment trial.

Posible namang gawin ng Lunes ang sesyon at i-schedule na lang ang mga committee hearings.

Iginiit ni Bantug na kailangang pagkasyahin ang oras at panahon upang magampanan pa rin ng mataas na kapulungan ang legislative works ng mga senador.

Facebook Comments