Pondo ng PhilHealth na inilipat sa National Treasury, iminungkahi ng isang mahistrado na ibalik sa ahensya

Iminungkahi ng isang mahistrado ng Korte Suprema sa Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth na hilingin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ibalik ang bilyun-bilyong pisong pondo na ahensya na inilipat sa National Treasury.

Sa ikatlong araw ng oral arguments ng petisyon na kumukuwestiyon sa paglilipat ng halos P90 billion na pondo ng PhilHealth, sinabi ni Associate Justice Antonio Kho Jr., na dapat ibalik na ang P60 billion na una nang naibalik sa treasury at palawigin pa ang programa na mapapakinabangan ng taumbayan.

Bago iyan, sumalang sa pagkuwestiyon ni Justice Kho si Department of Health Spokesperson at Assistant Secretary Albert Domingo kung saan sinabi nito na ilang pangulo na ang nagdaan pero hindi pa rin nasusunod ang utos na palawakin ang benepisyo.

Paliwanag naman ni Domingo, nagkakaroon na ng pagbabago lalo na’t bago na ang namumuno ngayon sa PhilHealth.

Facebook Comments