Police vlogger na si Patrolman Francis Steve Fontillas, sinibak na sa serbisyo ng NAPOLCOM

Tuluyan nang tinanggal sa serbisyo ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang police vlogger na si Patrolman Francis Steve Fontillas.

Sa en banc decision ng NAPOLCOM, napatunayang guilty si Fontillas sa kasong grave misconduct, conduct unbecoming of a police officer at disloyalty to the government.

Maliban sa pagkasibak sa serbisyo, pinatawan din si Fontillas ng accessory penalty na perpetual disqualification sa public service.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman at Executive Officer Rafael Vicente Calinisan, ang ibinabang desisyon ng en banc ay unanimous.

Magugunita na naging kontrobersyal ang naturang police vlogger dahil sa nag-viral niyang post sa social media na bumabatikos sa PNP at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ipaaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments