Ayon sa barangay officials, bawat pamilya sa barangay ay makatatanggap ng limang kilo ng bigas at isang dosenang itlog sa Mayo 24, 2026, alas-1 ng hapon sa Bolosan Covered Court.
Ipinaliwanag ng barangay na naging simple ang pagdiriwang ngayong taon alinsunod sa mandato ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at upang mas maprioridad ang pangangailangan ng mga residente sa gitna ng nararanasang krisis.
Sa kabila ng mas payak na selebrasyon, itinuloy pa rin ang mga gawaing panrelihiyon kabilang ang novena at sama-samang panalangin bilang bahagi ng pagdiriwang para kay Sta. Rita.
Nanawagan naman ang barangay sa mga residente ng pagkakaisa at pag-unawa sa naging desisyon ng pamunuan kaugnay ng selebrasyon ng pista. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










