Saturday, July 11, 2026

DND, iniimbestigahan ang mga kasabwat ng stell plant sa Misamis Oriental na iniuugnay kay Tony Yang

Patuloy na pinaghahanap ng awtoridad ang limang at-large na incorporators habang inaalam din kung may iba pang sangkot sa ilegal na operasyon ng pagawaan ng bakal sa loob ng Phividec Industrial Authority sa Misamis Oriental.

Palaisipan kay Defense Secretary Gilbert Teodoro kung sino ang nagbigay ng permit sa nasabing steel plant kahit na ito ay nahinto na ang operasyon noong naaresto ang Chinese Businessman na si Tony Yang, kapatid ng Duterte Adviser na si Michael Yang.

Kung saan si Yang ang itinuturong may-ari ng Phil-Sanjia Steel Corp. na sinalakay ng mga awtoridad dahil sa sumbong na pag-handle ng “hazardous materials” na nagresulta sa pagkakahuli sa 69 na mga Chinese at isang Pilipino.

Ayon kay Teodoro, makakarating na ang nasabing isyu kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. at binalaan na makakasuhan ng obstruction ang sinumang magtatangkang humarang sa kanilang imbestigasyon.

Kaugnay nito, ang nasabing planta ay malapit din sa isang naval facility na dini-develop kung kaya’t tinuturing na isang banta ito sa “national security” ng bansa.

Facebook Comments