Ayon sa lokal na pamahalaan, inaasahang dadaan ang humigit-kumulang 150 lokal at international cyclists sa bayan sa stage 14 ng karera.
Bilang paghahanda, nagsagawa ng planning meeting ang mga kinatawan mula sa philippine national police (pnp), bureau of fire protection (bfp), tourism, culture & arts, rhu, traffic enforcers at office of civil defense kasama ang mga punong barangay ng alipangpang, rosario, bobonan at palacpalac.
Plinano ang mga hakbang para sa seguridad, daloy ng trapiko at emergency response sa kahabaan ng manila north road na dadaanan umano ng karera.
Kaugnay nito, nakipag-ugnayan rin ang department of public works and highways (dpwh) sa mga barangay official’s para sa pagkukumpuni ng mga nasirang bahagi ng kalsada bago ang event. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








