PRC, NAGSAGAWA NG MOBILE LICENSING SA KALINGA

27
Cauayan City, Isabela- Hindi bababa sa 354 na indibidwal ang nakinabang mula sa isinasagawang PRC mobile services na naganap noong Matagoan Festival sa Tabuk City, Kalinga.

Kabilang sa mga serbisyong inalok ng PRC ang renewal ng ID, authentication, aplikasyon para sa board examination at aplikasyon para sa mga bagong PRC holders.

Ang mga bayan ng Pinukpuk, Balbalan at Tabuk ay kabilang sa mga naserbisyohan ng PRC hinggil sa nasabing aktibidad.

Layunin ng PRC mobile licensing na ilapit ang kanilang serbisyo sa tao upang hindi na kailangang maghintay at pumila pa ang mga aplikante para makumpleto ang kanilang transaksyon sa PRC Tuguegarao.

Bukod dito, ginawa ng simple ang mga bagay at proseso sa mga naghahanda sa LET examination na nakatakda sa Setyembre ngayong taon.

Photos: Tabuk City Provincial Information Office


Facebook Comments