ACCOMPLISHMENTS NG MULTI-SECTORAL COUNCIL, IPRINISENTA SA ISINAGAWANG PULONG

21
Cauayan City, Isabela- Naging abala ngayong araw ang ilang kinatawan at kawani ng City Multi-Sectoral Council sa pagpresinta ng kani-kanilang mahahalagang accomplishments sa isinagawang pagpupulong sa FLDY Coliseum sa Lungsod ng Cauayan.

Pinangasiwaan ni City Mayor Bernard Dy ang aktibidad kasama ang mga City Officials.

Unang ibinahagi ni City Planning and Development Officer Oliver Francisco ang mga natapos sa mga nakalipas na taon at proposed projects ng kanilang tanggapan para sa taong 2023.

Sumunod namang inilatag ni CDRRM Officer Ronald Viloria ang kanilang Annual Accomplishment Report na sinundan ng report ng hepe ng Cauayan City Police Station na si PLtCol Sherwin Cuntapay para sa mga nagawa sa first at second quarter ng kasalukuyang taon.

Iprinisinta rin nina Dr. Alfredo Gumaru Jr, Schools Division Superintendent; Dr Bernadynn Reyes, City Health Officer ang kanilang mga accomplishments sa taong 2022 habang nagbigay naman ng updates ang DILG sa pamamagitan ni Mr. Ricarte Castro.

Maayos at matagumpay namang natapos ang Multi-Sectoral Council meeting sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe ni City Mayor Bernard Dy.

Facebook Comments