PRC, nanawagan sa publiko na mag-donate ng dugo ngayong holiday season

Nananawagan ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na mag-donate ng dugo ngayong papalapit na ang holiday season.

Kasunod ito ng kaunting blood donation drives dahil sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, bagama’t may pandemya, hindi tumitigil ang pangangailangan ng ilang may sakit sa donasyong dugo.


Samantala, tiniyak naman ng organisasyon na mahigpit nilang susundin ang mga health protocols at sisiguraduhing ligtas ang mga magiging donor.

Sa mga interesado, maaaring pumunta sa pinakamalapit na PRC Chapters at Blood Centers o di kaya ay tumawag sa numerong 143 para sa iba pag concern.

Maaari ding bisitahin ang https://redcross.org.ph/give-blood/ para sa lokasyon ng mga Blood Centers at available schedules.

Facebook Comments