Wednesday, October 21, 2026

Kilos-protesta ng mga magsasaka, isinasagawa sa lungsod ng Maynila

Ipinagpatuloy ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kasama ang iba’t ibang grupo ang kanilang kilos-protesta sa Maynila.

Mula sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) kung saan sila unang nagsagawa ng program, nagtipon-tipon sila sa España Blvd. saka nag-martsa patungong Mendiola.

Muli nilang panawagan na tutukan sana ng pamahalan ang kalagayan ng mga magsasaka at huwag ang mga programa na para sa dayuhan.

Partikular nilang kinokondena ang kawalan hakbang ng gobyerno sa mga hinaing ng mga magsasaka kung saan mas lalong humihirap ang kanilang kabuhayan.

Muli nilang tinutulan ang pagtatayo ng Pax Silica dahil maraming mga katutubo at mga magsasaka ang maapektuhan ng naturang proyekto.

Facebook Comments