
Puspusan na ang paghahanda ng pamahalaang lungsod at iba’t ibang ahensya para sa nalalapit na “Run for S.A.F.E (Secure and Abuse-Free Environment)” sa Abril A-bente-singko (25) at “Bangusan Street Party: Kalutan ed Dalan 2026” sa Abril a-trenta (30).
Sa isinagawang pagpupulong, tinalakay at pinagtibay ang mga plano upang matiyak ang maayos, ligtas, at organisadong daloy ng dalawang inaabangang aktibidad.
Ayon sa mga organizer, binigyang-pansin ang iba’t ibang aspeto ng seguridad at operasyon—mula sa medical readiness at emergency response hanggang sa crowd control at traffic management. Layunin ng koordinasyong ito na maiwasan ang anumang aberya at masiguro ang kaligtasan ng lahat ng dadalo.
Inaasahan na dadagsa ang mga residente at bisita sa mga nasabing kaganapan, na bahagi ng taunang pagdiriwang sa lungsod. Tiniyak ng mga opisyal na magiging maayos at kapana-panabik ang bawat programa, na sumasalamin sa pagkakaisa at sigla ng mga Dagupeño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










