Premyo ng mananalo sa Super Lotto 6/49 jackpot, posibleng umabot sa P106 million

430

Posibleng umabot sa P106 million ang magiging premyo ng mananalo sa Super Lotto 6/49 jackpot.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager at Board Vice Chairperson Royina Garma, walang jackpot winner sa Super Lotto 6/49 draw nitong huwebes para sa winning combination na 37-02-34-01-24-23.

Bukas ng gabi ang susunod na draw.


Nagmula sa Quezon City ang huling nagwagi sa Super Lotto 6/49 jackpot na nakakuha ng P15.8 million.

Facebook Comments