Sunday, September 27, 2026

Special elections sa Batanes, isasagawa sa November — COMELEC

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na sa Nobyembre na gaganapin ang special elections sa probinsya ng Batanes.

Ito ay para sa nabakanteng pwesto ng yumaong si Batanes Lone District Rep. Ciriaco Gato Jr.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, sa November 28 na ang eksaktong petsa ng special elections at naglaan na rin sila ng P10 million para mairaos ito.

Huhugutin aniya ang pondo mula sa natitirang savings ng poll body.

Samantala, sinabi pa ni Garcia na inaprubahan na rin ang Calendar of Activities kaugnay dito.

Habang inaasahang ilalabas naman ang petsa kung kailan ang paghahain ng certificates of candidacy sa mga susunod na araw.

Facebook Comments