PRESINTO DOS NG PNP SANTIAGO, NAKIISA SA BLOODLETTING ACTIVITY

Cauayan City, Isabela- Nakiisa ang Santiago City Police Office-Station 2 sa isinagawang Bloodletting Activity na ginanap sa Barangay Villa Gonzaga katuwang ang City Health Office.

Bahagi ito ng kanilang Dugong Buhay, Dugtong Buhay Blood Olympics na layong tulungan ang publiko sa kabila ng maraming kakulangan at matinding pangangailangan sa suplay ng dugo.

Maliban sa mga tauhan ng PNP,nagbigay rin ng donasyong dugo ang ilang residente sa lugar dahil batid nila ang kahalagahan na makapag dugtong ng buhay.

Ang mga nalikom na dugo ay napasakamay sa City Health Office para sa gagawing pagsusuri at ipamimigay sa mga higit na nangangailangang pasyente.

Facebook Comments