PULIS SA ISABELA, VIRAL NANG IBALIK ANG P5,000 NA NAIWAN SA BANK ATM

Cauayan City, Isabela- Viral ngayon ang isang pulis matapos isauli ang pera na nagkakahalaga ng P5,000 na nakitang lumabas sa isang Automated Teller Machine (ATM) sa Aurora, Isabela.

Mismong ang pulis na si PCMS. Francis Ballesteros ang nakakuha ng naturang halaga ng pera na kaagad naman niyang ipinost sa social media upang ipagbigay alam kung sinuman ang posibleng nakaiwan ng pera sa araw na nagwith-draw ito.

Inihayag naman ng pulis na hindi pa rin nakukuha ang pera kaya’t nagdesisyon itong ibalik sa LandBank para mai-turn over sa totoong may-ari ang naiwang halaga ng pera.

Patunay lamang na ang ginawa ng pulis ay pagpapakita ng tapat at mapagkakatiwalaang alagad ng batas.
Kaliwa’t kanan naman ang pampagoodvibes na komento at reaksyon ng netizen dahil sa ginawa ng pulis.

Facebook Comments