PRESYO NG BIGAS, BUMABA SA DAGUPAN CITY

Kapansin-pansin sa pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan ang mabababang presyo ng mga bigas.

Nasa P32 na ang pinakamurang kada kilo ng bigas na maaaring mabili ng mga konsyumer, habang mayroon ding naglalaro sa P34 hanggang P39 na per kilo nito.

Ayon sa mga rice retailers, mabenta raw ang mga murang bigas ngayon dahilan na hindi na masama ang kalidad nito, maging ang amoy, na isa sa pinaka kinokonsidera ng mga mamimili sa pagpili.

Inaasahan din ng mga ito na mayroon pang maging pagbaba sa presyo ng bigas upang tuluyang maging abot-kaya ang produkto lalo na sa mga ordinaryong Pilipino.

Samantala, nananatiling matatag ang suplay ng bigas at wala umanong nakikitang kakulangan ngayon sa mga susunod na araw at buwan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments