NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEKIPINAGDIWANG SA BAYAN NG SAN FABIAN

Bilang pagkilala sa karapatan ng mga Persons With Disabilities, patuloy na nagsasagawa ng mga programa para sa kanila ang bayan ng San Fabian.

Nagsimulang ipagdiwang ng bayan ang 48th National Disability Rights Week nitong July 17 sa isang makulay na parada na nilahukan ng mga San Fabian Federation of Persons eith Disabilities Inc. mula sa iba’t ibang barangay sa bayan.

Kasama sa isang linggong pagdiriwang na ito ang nakatakdang Medical Mission ngayong araw, July 22 (2026) sa brgy. Poblacion, San Fabian kung saan libreng magsasagawa ng Blood typing, blood glucose testing, at blood pressure minitoring.

Maliban dito ay magkakaroon rin ng PWD Camp mula July 23 to 25, 2026 upang bigyan ng oagkakataon ang bawat PWDs na makipag-ugnayan sa isa’t isa at maibahagi ang kanilang mga karanasan sa buhay.

Ang mga ganitong programa ay patunay lamang ng hangarin ng bayan na maisulong ang kapakanan, karapatan, at pagpapahalaga sa mga PWDs. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments