Presyo ng produktong petrolyo, tataas na naman ngayong Martes

187

May taas-presyo na naman sa diesel sa darating na Martes.

Ayon sa oil industry, may ₱1.10 hanggang ₱1.30 na dagdag sa kada litro ng diesel habang ₱0.5 ang bawas sa kada litro ng gasolina.

Sa pagtataya naman ng kompanyang Unioil, tataas ng ₱1.20 hanggang ₱1.40 ang kada litro ng diesel habang may ₱0.10 hanggang ₱0.20 na dagdag sa kada litro ng gasolina.


Matatandaang una nang sinabi ni Department of Energy Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Atty. Rino Abad na ang panibagong oil price hike sa diesel at kerosene ay dahil sa paghina ng piso kontra dolyar.

Habang hindi pa naman matiyak ang magiging galaw ng presyo ng kerosene at gasolina.

Facebook Comments